GMA Logo Kristoffer Martin and Alden Richards
Photo by: kristoffermartin_ (IG); aldenrichards02 (IG)
Celebrity Life

Kristoffer Martin shares pieces of advice he received from Alden Richards

By Aimee Anoc
Published September 28, 2022 7:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin and Alden Richards


Isa si Alden Richards sa pinakamalapit na kaibigan ni Kristoffer Martin.

Bukod kina Rodjun Cruz at Bea Binene, isa pa sa pinakamalapit na kaibigan ni Kristoffer Martin sa showbiz ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Sa katunayan, mga ninong at ninang sina Alden, Rodjun, at Bea ng limang taong gulang niyang anak na si Precious Christine o "Pre."

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kristoffer kung paano nga ba sina Alden, Rodjun, at Bea bilang mga kaibigan.

"Sila 'yung pinaka-close ko talaga na kahit 2:00 a.m. tatawag ako, sasagutin nila. Kapag may problema, ready silang makinig. Sila 'yung mga one call away kong mga kaibigan," kuwento ng aktor.

Ibinahagi rin ni Kristoffer ang mga tumatak sa kanya na payo ni Alden, na itinuturing niyang "kuya" hindi lamang sa showbiz kung hindi maging sa tunay na buhay.

"Ang mga payo niya sa akin is just be patient lang, always pray. Hindi siya nagkukulang doon sa lagi kang magdasal kasi wala kang ibang kakapitan lalo na sa mga problema mo kung hindi si Lord lang," sabi ni Kristoffer.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Alden sa GMA Primetime series na Start-Up PH kasama sina Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

Habang abala naman si Kristoffer sa pinakabago niyang single under GMA Music, ang "'Di ba?" na mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms sa Biyernes, September 30.

TINGNAN ANG MAINIT NA PAGTANGGAP NG ILIGANONS KAY KRISTOFFER MARTIN DITO: