
Magkapatid na magkaiba ang prinsipyo ang role nina Kristoffer Martin at Liezel Lopez sa GMA afternoon series na Babawiin Ko Ang Lahat pero off-cam, magkasundong-magkasundo ang dalawa.
Patunay diyan ang kanilang sweet TikTok video na ipinost ni Kristoffer sa kanyang account noong February 20.
Sa video, makikitang sinasayawan ng aktor ang kanyang co-star sa saliw ng kantang "Heartbreak Anniversary" ng American R&B singer and songwriter na si Giveon.
Sa dulo ng video, hinalikan sa noo ni Kristoffer si Liezel at saka sila nagyakapan.
@kristoffermartin_ ♬ Heartbreak Anniversary - Giveon
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 3 million views ang nasabing TikTok video.
Inamin ni Kristoffer na mag-on na sila ni Liezel sa episode ng The Boobay And Tekla Show noong Linggo, April 4.
Dito inamin din ng aktor na si Liezel ang kasama niyang nag-celebrate ng Valentine's Day sa Boracay noong Pebrero.
Approved naman kay Boobay si Liezel para kay Kristoffer dahil, aniya, "very nice and beautiful" ang aktres.
Bago si Liezel, nakarelasyon nang pitong taon ni Kristoffer ang non-showbiz personality na si AC Banzon. Si AC ang ina ng four-year-old daughter ng aktor na si Pré.