
Hindi lamang on-screen makikita ang magandang chemistry nina Kylie Padilla at Jak Roberto, kung hindi off cam din.
Kasalukuyang napapanood ang dalawa sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife. Dati nang nagkasama ang dalawang Sparkle artist sa primetime series na Bolera noong 2023.
Sa behind-the-scenes video na inupload sa GMA Network Facebook, mapapansin na komportableng nagkukulitan ang dalawa habang nasa taping.
Umani na ng mahigit isang milyon views ang happy moments na ito nina Kylie at Jak at kahit mga fans nila ay aliw na aliw sa dalawa.
Samantala, dumalo rin sina Kylie at Jak sa GMA Network Beyond 75 anniversary special na idinaos noong June 29. Spotted din sa star-studded event na ito ang co-star nila sa serye ang seasoned TV-movie star na si Gabby Concepcion.
Bukod sa cast ng My Father's Wife, tingnan pa ang ilang sa mga A-list celebrities na naki-celebrate sa GMA Network anniversary celebration DITO.