
Pinag-usapan sa social media ang kulitan nina Asia's Multimedia Star and Box Office King Alden Richards at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa 75th anniversary special ng GMA na pinamagatang Beyond 75 noong Linggo, June 29.
Sa video na ipinost ng YoüLOL sa Facebook, mapapanood na tinanong ni Alden kung sinagot ni Barbie sa guest appearance nito sa Fast Talk with Boy Abunda kung sino ang nanliligaw sa aktres ngayon.
Tinugunan ito ni Barbie ng "Hindi natin aaminin," bago nagtawanan ang dalawang bigating Kapuso stars.
Kapansin-pansin din ang closeness nina Alden at Barbie, bagay na hinangaan ng netizens.
Ayon sa isang commenter, "Natuwa naman ako sa kanila, yung komportable lang sila sa isat-isa. Yung magkaibigan na walang malisya. Masyadong cool, wag ng lagyan pa ng masamang kahulugan. May friendship na ganun kalog parehas, pero may respeto sa isat-isa."
Marami rin ang na-cute-an sa kanilang pagkakaibigan.
Sabi ng isang netizen, "Wow cute nilang tingnan together as bro and sis lang, yun feel na feel ni alden na little sis talaga niya si barbie."
Sina Alden at Barbie ay parehong talent ng GMA talent management arm na Sparkle.
Mapapanood si Alden bilang host ng dance competition na Stars On The Floor. Samantala, mapapanood naman si Barbie sa upcoming GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.
NARITO ANG IBA PANG CELEBRITIES NA DUMALO SA BEYOND 75 EVENT.