Celebrity Life

"Kung mahilig ang babae sa pagkain, type ko yan!" - Mikael Daez

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2020 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder confident in another bounce-back effort in Game 2 vs. Spurs
REP taps Nelsito Gomez to direct Nonie Buencamino's musical theater comeback in 'Man of La Mancha'
Hot water poured on cat in NegOcc; justice sought

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang aktor na mahilig siyang kumain. Importante rin kaya na foodie ang isang babae para mapa-ibig siya?

Dahil sa Midnight Express, lalong naging matunog ang pangalan ni Mikael Daez.  Aminado ang aktor na mahilig siyang kumain. Importante rin kaya na foodie ang isang babae para mapa-ibig siya?

Kuwento ni Mikael importante na food lover or foodie rin na tulad niya ang isang babae. “Feeling ko mai-inlove ang babae sa akin pagdating sa pagkain. Actually sinasabi ko nga sa mga babae kong kaibigan na kung mahilig ang babae sa pagkain, type ko yan,” natatawang pahayag ng aktor.

Dagdag ni Mikael, he loves good food kaya gusto niya na same sila ng interest ng kanyang special girl.

“Kasi mahilig rin ako kumain, marami akong alam na masasarap na restaurant. Ako, kinikilig ako, halimbawa sinabi sa akin na 'may masarap na restaurant, subukan mo'. Tapos, susubukan ko nga, tapos masarap nga. Parang nakakakilig”.

Nagkuwento rin si Mikael na noon ay nagbigay siya ng food para sa isang special girl. Aniya, “well there was a chocolate before na shaped in a heart. I think, it was Valentine's Day”.

Saad niya, hindi siya ang gumawa nito. Ngunit may isang nakakakilig na bagay siyang idinagdag rito. “A letter came with it. So, ‘di ba may handwritten letter. Puwede na!” nakangiting pahayag ni Mikael.

Para sa iba pang updates mula kay Mikael Daez at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com