
Ngayong Linggo (August 29), may bagong adventure tayong pagsasamahan sa Amazing Earth .
Sa ating libreng adventure kasama si Dingdong Dantes, malalaman natin ang kuwento ng Ibalong Festival na ginaganap sa Legazpi City, Albay. Matutunan din natin ang Ibalong epic at paano ito nagiging inspirasyon sa mga Bicolano na humaharap sa life-changing natural disasters.
Photo source: Amazing Earth
Makikilala rin natin sa Linggong ito ang vloggers na Team Harabas at bibigyan nila tayo ng ultimate nature adventure sa Occidental Mindoro.
Hindi naman magpapahuli ang iba't ibang mga exciting na kuwento ng Kapuso Primetime King mula sa BBC nature documentary na Spy In The Wild: The Islands. Dito ibibida ni Dingdong ang mga kuwento ng most unique animals mula sa islands of the southern seas.
Siguradong mapupuno ng kaalaman at adventure ang ating Linggo. Tutok na sa Amazing Earth ngayong August 29, 7:40 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Registered nurse turned farmer at aspiring fashion designer, ibinida ang pangangalaga sa kalikasan sa 'Amazing Earth'