What's Hot

Kuya Kim Atienza, ibinahagi ang kanyang animal, motorcycle, at bicycle collection sa 'Unang Hirit'

By Dianne Mariano
Published October 18, 2021 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Sa first live guesting ng “Kuya ng Bayan” sa 'Unang Hirit,' ibinahagi niya ang kanyang nakamamanghang animal, motorcycle, at bicycle collection.

Isang historical day nanaman para sa bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza ang petsa na ito dahil siya ang pinakaunang live guest sa morning show ng GMA Network na Unang Hirit ngayong pandemya.

Ayon kay Kuya Kim, ramdam na ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao matapos maging isang certified Kapuso noong October 4.

“Ay nako, talagang feel na feel ko ang pag-welcome n'yo. Feel na feel ko 'yung welcome ng mga boss natin, feel na feel ko 'yung welcome ng aking co-workers, at feel na feel ko ang pag-welcome ng mga Kapuso sa TV,” pagbahagi ni Kuya Kim.

Bilang unang live guest ng show ang “Kuya ng Bayan,” sumabak agad ito sa “Dapat Alam Mo Challenge” upang malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa kanya.

Isa na rito ang kanyang hilig sa pangongolekta ng iba't ibang hayop sa kanyang tahanan.

Aniya, “Ang hilig ko talaga sa hayop, mga exotics. My kids and my wife, ang hilig nila mga aso. We have 21 aspins in the house, so 'yung bahay namin para kaming PAWS 'e.

“Ang talagang hilig ko mga snakes, lizards, hybrid tortoises, different kinds of turtles. green tree phyton. Mga kinakatakutan,” dagdag niya.

Ayon kay Kuya Kim, mahilig siya sa mga “outside the box” na mga hayop. “Gusto ko 'yung outside the box 'e. Kung ang hilig mo ay aso't pusa, gusto ko 'yung nasa labas, 'yung hindi mo hilig,” pagbahagi niya.

Noong 1990s naman daw nagsimula ang kanyang hilig sa mga motorsiklo. “I was still in politics then, isa akong konsehal ng Maynila. Ang ginawa kong gimik, imbis na kotse ang ginagamit ko araw-araw dahil Malate ang distrito ko 'e, naka-vintage Vespa ako. I go around Malate in a vintage Vespa and then hanggang nakilala ko 'yung misis ko.”

“Ang pinakaunang date namin imbis na kotse ang ginamit ko para sunduin siya, scooter,” nakatutuwang kinuwento ni Kuya Kim.

Bukod dito, ibinahagi rin niya kung paano siya nahilig sa pangongolekto ng mga bisikleta. “May collection ako ng bisikleta. I now collect steel bikes, gusto ko 'yung mga steel classic bikes. 'Yung steel classic bikes iba kasi 'yan, panghabang buhay.”

“Paano naman ako nahilig d'yan? Kasi noong bata ako, hindi ako pinayagan ng tatay at nanay ko na magbisikleta dahil baka raw maaksidente ako. Kaya noong nagkaroon na ako ng sarili kong trabaho, nangolekta ako ng nangolekta,” paliwanag niya.

Samantala, mapapanood na ang Dapat Alam Mo! mamayang 5:30 p.m. sa GTV kung saan makakasama ni Kuya Kim sina veteran broadcast journalist Emil Sumangil at Kapuso host Patricia Tumulak.

Samantala, muling kilalanin ang “Kuya ng Bayan” sa gallery na ito: