GMA Logo Kuya Kim Atienza
What's Hot

Kuya Kim Atienza, excited para sa kanyang projects sa GMA Network

By Dianne Mariano
Published October 5, 2021 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Bilang isang certified Kapuso na si Kuya Kim Atienza, magiging bahagi siya sa tatlong programa ng Kapuso Network.

Masayang ibinahagi ni “Kuya ng Bayan” na si Kim Atienza ang kanyang excitement para sa mga nakahandang proyekto nito sa Kapuso Network.

Sa panayam ng 24 Oras, sinabi ni Kuya Kim, “Excited ako dahil ang dami kong mga projects na nakahanda sa Entertainment at sa News and Public Affairs.

“So, to be able to straddle both worlds, isang malaking karangalan.”

Bilang isang certified Kapuso na si Kuya Kim, magiging bahagi siya sa tatlong programa ng GMA-7 gaya na lamang ng award-winning daily newcast na 24 Oras.

Makakasama rin ng kilalang TV personality sina Kapuso hosts Iya Villania-Arellano at Camille Prats sa morning talk show na Mars Pa More.

Isa rin sa co-hosts si Kuya Kim sa bagong newsmagazine show sa GTV na pinamagatang Dapat Alam Mo! kung saan makakasama niya sina veteran broadcast reporter Emil Sumangil at Kapuso host na si Patricia Tumulak.

Maliban dito, nagbahagi rin si Kuya Kim ng isang nakatutuwa at taos-pusong mensahe para sa mga Kapuso.

Aniya, “Para sa mga Kapuso, Ito po si Kuya Kim, Kapuso na ngayon. Ikinagagalak ko kayong makilala at sana matuwa kayo at gagawin ko ang lahat para maging pinakamahusay at pinakamagaling na Kapuso dito sa bagong network at bagong tahanan na tinanggap ako ng buong puso.”

Noong October 4, naging official Kapuso na si Kuya Kim matapos ianunsyo ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang #KuyaNgBayan na si Kim Atienza sa gallery na ito: