
Ibinahagi ni Kapuso TV host Kuya Kim Atienza sa Mars Pa More kamakailan ang isang bagay na pinagsisihan nito.
Naganap sa episode na ito ang “Pop Quiz” segment kung saan kailangan sagutin nina Yvette Sanchez, Kitkat, Kuya Kim, Camille Prats, at Iya Villania ang iba't ibang tanong na nasa loob ng colored balloons.
Tinanong naman ang Kuya ng Bayan kung ano ang isa sa pinakanakakalokang bagay na ginawa nito para sa pag-ibig at pinagsisihan niya sa huli.
Ayon sa kanya, ito raw ay noong nagkaroon siya ng live-in partner.
“Isa sa pinakanakakalokang bagay na ginawa ko na pinagsisisihan ko ay nakipag-live in [ako]. Now that I'm happily married…. Kung siguro hindi namin ginawa 'yon na nag-live in kami, naging matino ang relasyon namin, maaaring naging kami,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Kuya Kim na ito raw ay nakasama para sa kanya.
Aniya, “Unang-una hindi maganda sa mata ng Diyos at pangalawa masyado kaming nagkakilanlan lang ng maaga na nawala.”
Ibinahagi rin ng kilalang personalidad na hindi siya naniniwala sa “trial and error” pagdating sa pag-ibig.
“It's a choice. When you choose, after you choose, kahit may error aayusin n'yo 'yan kasi may choice ka na e,” ani Kim.
Alamin pa ang ibang mga sagot nina Kitkat, Yvette, Iya, at Camille sa "Pop Quiz" segment ng Mars Pa More sa video sa itaas. Puwede n'yo rin itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8: 45 a.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin ang Kuya ng Bayan na si Kim Atienza sa gallery na ito.