
Inamin ni Kuya Kim Atienza na malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil sa sunod-sunod niyang projects.
Inihayag ni Kuya Kim na perfect ang timing niya sa pagiging Kapuso at pagkakaroon ng busy schedule.
Saad ng TiktoClock host sa ginanap na online media conference nitong July 12, malapit na raw silang maiwan ng kanyang misis dito sa Pilipinas dahil ang mga anak nila ay mananatili na sa Amerika.
Sina Kuya Kim at ang asawa niyang si Felicia Atienza ay may tatlong anak. Sila ay sina Jose, Eliana, at Emmanuelle.
Photo source: @feliciaatienza
Kuwento ni Kuya Kim sa entertainment writers, "Malapit na kaming mag-empty nest ni misis... kami na lang dalawa."
Ayon pa kay Kuya Kim naniniwala siya na ibinibigay ang mga blessings sa isang tao sa tamang oras.
"Alam mo God gives everything talaga in his perfect time. Nilagay ako ni Lord sa GMA-7 at his perfect time at binigyan ako ng mga shows at His perfect time as well."
Ayon pa sa TiktoClock host perfect time niya magpaka-busy para hindi siya malungkot kakaisip sa mga anak.
"This is the perfect time to be busy. Kasi 'pag 'di ako busy, maaalala ko 'yung mga anak ko na nasa Amerika na. Mag-iiiyak ako dito."
Abangan si Kuya Kim kasama sina Pokwang at Rabiya Mateo sa bagong Kapuso show na TiktoClock simula ngayong July 25, 11:15 a.m. sa GMA Network.
TINGNAN ANG MGA FAMILY PHOTOS NI KUYA KIM DITO: