GMA Logo  Family Feud
What's on TV

Kuya Kurt at Angely Dub, magpapasiklaban sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published July 2, 2026 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EU presses for full implementation of 2016 South China Sea arbitral ruling
This special visa makes it easier for global retirees to call Philippines home
Man hurt after bridge snaps amid flooding in North Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

 Family Feud


Abangan ang exciting tapatan ng mga content creator sa 'Family Feud' ngayong July 2.

Mga viral na content creator ang magpapasiklab sa Family Feud ngayong Huwebes.

Ngayong July 2, maghaharap ang Team Add to Kurt at Team Access Gorgeous na binubuo ng dalawang grupong may milyon-milyon na followers sa social media.

Pangungunahan ng American content creator na si Kurt Harris, o Tagalog Kurt, ang Team Add to Kurt. Dating U.S. Marine at missionary si Kurt na minahal ng mga Pinoy dahil sa kainyang pagmamahal sa kulturang Pilipino. Bukod sa pag-iikot sa iba't ibang panig ng bansa, nakabisita na rin siya sa mahigit 600 karinderya sa Pilipinas. Bahagi rin siya ng cast ng GMA primetime series na The Master Cutter na pinangungunahan ng Family Feud host na si Dingdong Dantes.

Makakasama niya sa Team Add to Kurt ang kapwa content creators na sina Julius Indiola na kilala sa kaniyang dance at lifestyle content; Quito Treñas na mahilig sa photography at arts; at Bryan Punetnet na paborito ng netizens dahil sa kaniyang nakatatawang online content at naging bahagi rin ng hit Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.

Makakatapat nila ang Team Access Gorgeous na pangungunahan ng entrepreneur, motivational speaker, traveler, at content creator na si Angely Dub.

Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan at kapwa creators na sina Shane Asuncion, Jaycka Rubianes, at Ella Cedilla. Kilala ang grupo sa kanilang travel at lifestyle content, pati na rin sa pagbabahagi ng mga nakaka-inspire na kuwento sa social media.

Tutukan ang bakbakan ng content creators sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 2, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.