
Dumaan na ba sa inyong timeline ang content creator na gumagaya kay Kuya Kim Atienza? Gusto n'yo bang makilala ang boses sa likod ng beloved cartoon characters gaya ni Naruto?
Sila ang magpapagalingan sa paghula ng top answers ngayong hapon sa masayang episode ng Family Feud.
Ngayong May 11, tampok "summer tawa, summer saya" Monday episode ang tapatan ng mga kilalang pangalan at rising stars sa voice acting industry
Mangunguna sa Team Backstreet Voice si Kuya Show, isang kilalang pangalan sa industriya ng voiceover. Siya ay mahigit isang dekada nang gumagawa ng mga patok na commercial jingles at may milyon-milyong followers online. Makakasama niya sina Ysa Chong, isang beteranang voice-over artist at mommy vlogger; Mike Valera, isang veteran live events announcer; at Jenny Chua, isang commercial model at dubber na maririnig din sa iba't ibang global streaming platforms.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakatapat nila ang Team Let's VO!, na binubuo ng mga beterano at rising voice actors. Pinangungunahan ito ni Kuya King, na kilala sa kanyang spot-on accents at celebrity impersonations. Siya ay nag-viral sa social media dahil sa kanyang paggaya kay Kapuso host Kim Atienza.
Kasama rin niya si Kath Sone, na nagsimula lang mag-side hustle noong college hanggang sa maging full-time ang career sa commercials at digital content. Kabilang din sa team sina Cars Sobrenilla, isang dating radio dramatista na ngayon ay kilala bilang horror narrator; at si Blaire Arellano, isang 30-year industry veteran na nagbigay-boses sa ilang iconic anime characters tulad ni Naruto.
Makisaya sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 11, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.