
Sa pagdiwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA, ibinahagi ni Kyle Ocampo na ang pagganap bilang si Michelle Santiago Velasco sa hit drama series na Munting Heredera ang proudest Kapuso moment niya.
Aniya sa GMANetwork.com, “My proudest Kapuso moment was when I started in GMA through the show Munting Heredera.
“Siyempre nung una, grabe 'yung kaba na naramdaman ko kasi hindi ko alam kung tama ba 'yung gagawin ko o mali ba iyon, at siyempre dahil puro batikang aktor at aktres ang mga kasama ko.
“Pero nawala 'yung naramdaman ko kasi na-feel ko talaga na welcome ako at tinuruan nila ako kung ano ba yung tamang gawin at kung mali ba 'yung ginawa ko.”
Nakasama kasi ni Kyle ang ilan sa mga prominenteng pangalan sa larangan ng show business kabilang na sina Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Katrina Halili, Roderick Paulate, at ang veteran actress na si Gloria Romero.
Halos isang taon din tumakbo ang Munting Heredera sa GMA at nakapag-uwi pa ito ng ilang awards tulad ng ENPRESS Golden Screen TV Awards for Outstanding Supporting Actor in Drama Series para kina Gabby Eigenmann at Neil Ryan Sese sa taong 2011 at 2013.
Panoorin ang buong panayam ni Kyle:
Pancho Magno and Max Collins consider wedding as their proudest Kapuso moment
Elijah Alejo says playing kontrabida role in 'Prima Donnas' is an answered prayer