
Magkaribal sina Kapuso stars Kylie Padilla at Cheska Fausto sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gumaganap si Kylie Padilla bilang hepe ng cybercrime team na si Isa.
Si Cheska naman ay si Leila, isang miyembro ng cybercrime team na may affair sa asawa ni Isa na si Martin (Luis Hontiveros).
Maganda ang off-cam relationship nina Kylie at Cheska sa kabila ng pagiging magkatunggali sa serye.
Kaya naman nakaisip sila ng kakaibang solusyon para sa kanilang love triangle.
Nang tanungin kung ano ang mangyayari kung sakaling mamili na sa pagitan ng kanilang mga karakter si Martin, pabiro ang naging sagot ng dalawa.
"Kay Isa na rin ako. Pwede ba 'yun?" ani Cheska.
"Type naman namin ang isa't isa. Martin, ano?" hamon ni Kylie.
"You don't have to choose na," dagdag pa ni Cheska.
Sa takbo ng kuwento ng Taskforce Firewall, alam na ni Isa na may kabit ang asawa niyang si Martin pero hindi pa niya alam na si Leila ito.
Tutuparin kaya ni Leila ang pangako kay Hex (Jak Roberto) na aamin siya ng kasalanan niya kay Isa?
Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies. May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.