GMA Logo Kylie Padilla at Luis Hontiveros
What's on TV

Kylie Padilla at Luis Hontiveros, may part 2 ang kilig video

By Marah Ruiz
Published October 27, 2026 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Herlene Budol at Kevin Dasom, binalikan ang simula ng kanilang love story
The Miss Globe PH Sasha Lacuna is now officially sashed
Ruffa Gutierrez warns 'Red Crown' viewers: 'Mapapasigaw kayo'

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla at Luis Hontiveros


Hindi pa tapos magpakilig sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros.

Hindi man maayos ang mga karakter nila sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall sa isa't isa, okay na okay naman in real life sina Kapuso stars Kylie Padilla at Luis Hontiveros.


Muling nagpakilig ang dalawa sa isang bagong video na ibinahagi ni Kylie at ni-repost naman ni Luis.

Ito ang part two ng video nila kung saan maririnig sa background ang kantang "Dito ang Tingin" mula sa artist na si Grizzy Bub, na sikat na sikat ngayon sa TikTok.

Kung sa unang bersiyon, si Kylie ang bumabaling ng tingin sa iba, sa bersiyong ito, si Luis naman ng distracted at pilit ni binabalik ni Kylie ang atensiyon nito sa kanya.

"I think my version is better @luishontiveros7," sulat ng aktres sa caption ng kanyang post.

A post shared by kylie padilla ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)



Samantala, sa ika-23 linggo ng Taskforce Firewall, hindi maayos ang relasyon ng mag-asawang sina Isa (Kylie Padilla) at Martin (Luis Hontiveros).

Nakabalik na sa serbisyo si Isa, habang nakapiit naman si Martin dahil sa katiwalian bilang pulis.

Nauwi na sa sumbatang tungkol sa kanilang professional ambitions ang pagkasira ng kanilang pagsasama.

Patuloy na panoorin sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.