
Gumaganap bilang mag-asawa ang Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Hinangaan ng mga manonood ng programa ang pambihirang chemistry ng dalawa kahit na may dinadaanang marital woes ang kanilang mga karakter.
Sa isang bagong video, muling ipinamalas nina Kylie at Luis ang kanilang chemistry.
Makikita sa video na pilit ibinabalik ni Luis ang tingin ni Kylie sa kanya kapag nababaling sa iba ang atensiyon nito.
Tila coordinated din ang kanilang outfits dahil nakasuot si Kylie ng champagne-colored slip dress, habang katerno ng kulay nito ang pantalon ni Luis.
Background music ng video ang kantang "Dito ang Tingin" mula sa artist na si Grizzy Bub na sikat na sikat ngayon sa TikTok.
"Sa Asawa lang ang tingin @kylienicolepadilla. Catch us on #TaskForceFireWall 8:50pm on GMA Prime," sulat ni Luis sa caption ng post.
Samantala, sa ika-23 linggo ng Taskforce Firewall, hindi maayos ang relasyon ng mag-asawang sina Isa (Kylie Padilla) at Martin (Luis Hontiveros).
Pugante si Martin dahil sa pagpatay sa boss ng isang scam hub at sa pag-frame up kay Galo (Miguel Tanfelix) para sa krimen.
Nagbabalik naman si Isa sa serbisyo at tinutugis ang sariling asawa.
Patuloy na panoorin sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.