
Maraming netizens ang kinikilig ngayon sa larawang ibinahagi ni Kylie Padilla sa Instagram kasama si Rayver Cruz.
Sa larawan, makikitang nakatitig sa isa't isa sina Kylie at Rayver na tila kuha sa isa sa mga eksena nila sa upcoming sports drama series na Bolera.
"JONI x MIGUEL," caption ni Kylie, na tumutukoy sa mga karakter na pinagbibidahan nila sa Bolera.
Dahil sa chemistry ng kanilang mga karakter, komento ng ilang netizens, "Bagay!"
"Oi... bakit ako biglang kinilig," dagdag naman ni @gsf_grrrl.
"SHIPPP," sulat ni @irishlevy.
"Ba't bagay na bagay," kilig na komento ni @spoiled.bella.
"Omg, bakit bagay kayo?" sabi ni @omsim757.
"Malakas ang chemistry and love team," sulat ni @tingarcia16.
Sa Bolera, gagampanan ni Kylie ang billiard prodigy na si Joni na susubukang makapasok sa male-dominated sport na ito habang bibigyang buhay naman ni Rayver ang competitive at guwapong karakter ni Miguel, na isa sa magiging matinding kakumpetensya ni Joni sa billiards.
Abangan ang world premiere ng Bolera sa May 30 sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang 'pogi' photos ni Rayver Cruz sa gallery na ito: