GMA Logo Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto
What's on TV

Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto, bibida sa bagong Kapuso serye na 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published March 7, 2022 6:21 PM PHT
Updated April 11, 2022 9:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto


Isang bagong serye na magpapaalala na hindi hadlang ang kasarian sa pag-abot ng pangarap.

Ngayong 2022, handog ng GMA ang kauna-unahang sports drama na tatalakay sa pangarap ng isang babaeng manlalaro na makilala sa mundo ng billiards.

Pagbibidahan ang Bolera ng isa sa pinakamahusay na aktres ng Kapuso Network na si Kylie Padilla. Makakasama rin niya sa seryeng ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at Al Tantay.

Si Kylie Padilla ang napiling gumanap bilang si Jose Maria "Joni" Fajardo Jr., isang billiard prodigy na mas titindi ang pag-aasam na makapasok sa male-dominated sports na ito para maibalik ang karangalan ng ama na nadungisan dahil sa isang iskandalo.

Makikilala si Rayver Cruz bilang si Miguel Salvador, na isa sa magiging matinding kakumpetensya ni Joni sa billiards. Bibigyang buhay naman ni Jak Roberto ang kababata ni Joni na si Pepito "Toypits" Canlas, ang magsisilbing unang manager ni Joni sa pagpasok nito sa mundo ng billiards.

Gaganap na kontrabida si Gardo Versoza bilang si Marco "Cobrador" Santos, ang magsasanay kay Miguel para maging isang kampeon. Nariyan din sina Joey Marquez bilang mentor ni Joni sa billiards na si Freddie Roldan, Jaclyn Jose na gaganap na ina ni Joni na si Tessa Fajardo, at si Al Tantay bilang ang pumanaw na ama ni Joni na si Jose Maria "Joma" Fajardo Sr.

Ang Bolera ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata.

Mapapanood ang Bolera soon sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actress Kylie Padilla sa gallery na ito: