GMA Logo Kylie Padilla and Rayver Cruz
Photos source: jomacosa (IG); rayvercruz (IG)
What's on TV

Kylie Padilla at Rayver Cruz, may pasilip sa lock-in taping ng 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published February 23, 2022 3:01 PM PHT
Updated April 11, 2022 9:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Rayver Cruz


Ano-anong billiard techniques na nga ba ang kayang gawin nina Kylie Padilla at Rayver Cruz?

Kapwa nagpakitang gilas sina Kylie Padilla at Rayver Cruz sa paglalaro ng billiards sa lock-in taping ng upcoming GMA series na Bolera.

Ang billiard masters na sina Johann Chua at Geona Gregorio ang nagtuturo ngayon kay Kylie para mas mahusay nitong magampanan ang karakter ni Joni, isang billiard prodigy na susubukan makapasok sa male-dominated sport na ito.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Hindi naman bago para kay Rayver ang billiards dahil ang namayapang ama ang nagturo sa kaniya ng larong ito. Bibigyang buhay ng aktor ang competitive at guwapong karakter ni Miguel, na isa ring billiard prodigy.

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Makakasama rin nina Kylie at Rayver sa series na ito sina Jak Roberto, Joey Marquez, Gardo Versoza, Jaclyn Jose, at Ricardo Cepeda.

Abangan ang Bolera soon sa GMA.

Samantala, tingnan ang femme looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito: