
Humabol ng pagbati kahapon, Valentine's Day, ang cast ng Bolera na sina Kylie Padilla, Jak Roberto, Rayver Cruz, at Joey Marquez para sa kanilang fans.
Sa Instagram, mapapanood na nasa lock-in taping na si Kylie habang naka-quarantine naman sina Rayver, Jak at Joey.
Sa upcoming GMA drama series na Bolera, bibigyang buhay ni Kylie ang billard prodigy na si Joni, na gagawin ang lahat para maiahon ang pamilya sa kahirapan at linisin ang pangalan ng namayapang ama.
Makakasama rin nina Kylie, Rayver, Jak, at Joey sa seryeng ito sina Ricardo Cepeda, Jaclyn Jose, at Gardo Versoza.
Samantala, tingnan ang femme looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito: