
Hindi napigilang maging emosyonal ni Kapuso actress Kylie Padilla habang pinapanood ang pilot episode ng pinagbibidahang tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Unang episode pa lang ay ramdam na ang bigat ng kuwento kung saan napanood ang backstory ng mga karakter nina Kylie at Miguel Tanfelix na sina Isa at Galo. Na-kidnap si Isa ng sariling yaya na isa pa lang child trafficker.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ipinarating ni Kylie kung bakit siya naging emosyonal.
"Kasi ayoko talagang may nakikitang batang nahihirapan, ano ko sensitive talaga ako kahit alam kong acting lang siya. Nangyayari kasi siya sa totoong buhay so kaya ako super invested," sabi ng aktres.
Dagdag pa ni Miguel, "Alam mong may gustong i-send na mensahe. Hindi lang siya basta show lang."
Samantala, mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa pilot episode ng Taskforce Firewall na nakakuha ng 7.9 combined ratings mula sa GMA at GTV base sa tala ng Nielsen Philippines, na mas mataas sa combined ratings na 3.1 ng kasabay nitong programa.
Panoorin ang Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: