GMA Logo Kylie and Robin Padilla in firing range
Source: kylienicolepadilla/IG
What's on TV

Kylie Padilla, feeling bumalik sa pagkabata sa training session nila ni Robin Padilla

By Kristian Eric Javier
Published February 28, 2023 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dobol B TV Livestream: July 28, 2026
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie and Robin Padilla in firing range


Aminadong parang bumalik sa pagkabata si Kylie Padilla nang makasama niya ang kanyang amang si Robin Padilla sa isang shooting range.

Naging sentimental ang Mga Lihim ni Urduja star Kylie Padilla nang makasama niya ang ama at action star na si Robin Padilla sa isang training session sa paggamit ng baril.

“I feel very sentimental, feeling ko bumalik ako sa pagkabata,” sabi ni Kylie sa interview niya kay Nelson Canlas para sa Chika Minute.

Dagdag pa nito, focused lang siya sa pamamaril at pag-asinta ng targets sa mga exercise na ginawa nila ng ama. Nang tanungin siya kung meron daw ba siyang inisip na tao habang umaasinta at bumabaril, ang sagot nito ay, “Wala.”

Paliwanag pa ng aktres, “Feeling ko kasi, kung may iisipin akong tao, it won't come from a place na magiging masaya ako after.”

Pinost ni Robin ang kanilang target shooting training sa kanyang Facebook page. Dito, itinuro ni Robin kay Kylie ang ilang tips at secrets sa pag baril sa firing range target nang may kumpyansa.

Sa parehong interview, ipinahayag din ni Robin kung gaano siya ka-proud sa ginawang fighting stunts nina Kylie pati na rin ang kanyang Mga Lihim ni Urduja co-stars sa Quezon Memorial Circle kamakailan.

“Medyo mataas na yung lipad niya sa [Quezon Memorial Circle] pero mas may tataas pa dun,” sabi nito.

Dagdag pa nito, “Naalala ko , pagkatapos ng Amihan, parang nag lay low siya sa action, napunta siya sa drama.”

Kamakailan lang ay lumabas ang isang video kung saan may mock fight scene si Kylie at co-actor at kalaban nito sa serye na si Vin Abrenica. Aminado din ang actor turned senator na dahil sa tibay ng dibdib ng anak ay maipapasa na niya ang korona ng pagiging action star dito.

Nagpahayag din si Robin ng pasasalamat sa GMA dahil sa pagpapalabas ng mga serye tungkol sa kasaysayan ng bansa.

“Mula pa noon, hanggang ngayon, mahalaga sa inyo yung kasaysayan at yun ang sinasaluduhan ko sa GMA,” sabi nito.

TIGNAN ANG TARGET SHOOTING TRAINING NILA KYLIE AT ROBIN SA GALLERY NA ITO: