GMA Logo mga lihim ni urduja
Source: GMANetwork
What's on TV

'Mga Lihim ni Urduja' actors, nagka-initan!

By Abbygael Hilario
Published February 25, 2023 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.6 earthquake strikes off Davao Oriental
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

mga lihim ni urduja


Bakit nga ba nag-away ang cast ng inaabangang mega serye ng taon?

Marami ang nagulat ng biglang magkagulo ang cast ng upcoming mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja sa Liwasang Aurora Ampitheater, Quezon City Circle kahapon, February 24.

Sa in-upload na video ng GMA Network, makikitang nasorpresa ang mga tao sa flash mob na ginawa ng team Urduja na sina Kylie Padilla, Jeric Gonzales, Billie Hakenson, J.C Tan, Michael Roy Jornales, at Bounty Hunters na binubuo nina Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Kristoffer Martin at Pancho Magno.

Mapapanood sa video kung paano pinrotektahan ng grupo ni Gemma (Kylie Padilla) ang mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja laban sa Bounty Hunters.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Humanga at nagpalakpakan naman ang mga manonood sa ipinakitang acting skills at mahusay na stunts ng mga ito.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Kabilang din sa mega serye ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Zoren Legaspi, at Rochelle Pangilinan. Abangan ang world-premiere ng Mga Lihim ni Urduja ngayong Lunes, February 27, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: