GMA Logo Kylie Padilla
Courtesy: GMA News and kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, first time na nakapag-skydiving para sa pelikulang 'Unravel'

By EJ Chua
Published January 10, 2023 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Kylie Padilla sa unang beses na pagsa-skydiving: “If I conquer this, I can conquer all the other obstacles of my life.”

Bukod sa upcoming Kapuso serye na Mga Lihim ni Urduja, mapapanood din si Kylie Padilla sa big screen ngayong 2023.

Isa si Kylie sa lead stars ng pelikulang Unravel ng MAVX Productions, Inc.

Para sa Sparkle artist, isang milestone ang pagkakabilang niya sa naturang palabas.

Ang katambal ni Kylie sa Unravel ay Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Ayon sa Kapuso actress, bukod sa unang beses siyang nakapunta sa Switzerland, habang ginagawa nila ang pelikula ay naranasan niya rin sa kauna-unahang beses ang skydiving.

Sa “Chika Minute” report na ipinalabas kahapon, January 9, ibinahagi ng aktres kay Nelson Canlas na nakatulong daw ang pagsa-skydiving niya para ma-conquer niya ang ilang mga takot sa kaniyang buhay.

Pagbabahagi niya, “Yung fear ko sa sky diving for my life, sabi ko talaga kapag ito na-conquer ko… Nandoon naman sila Ge [Gerald], they are really comforting me na kaya mo 'yan hindi ka naman mamamatay' kasi iniisip ko baka atakihin ako sa puso. If I conquer this, I can conquer all the other obstacles of my life.”

Kasalukuyang nagte-taping si Kylie para naman sa kaniyang karakter bilang isang policewoman sa upcoming GMA series na Mga Lihim na Urduja.

Panoorin ang latest “Chika Minute” report na ito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG FIERCEST LOOKS NI KYLIE PADILLA SA GALLERY SA IBABA: