GMA Logo Kylie Padilla reaction to AJ Raval revelation
Source: kylienicolepadilla (IG)
Celebrity Life

Kylie Padilla, hanga sa pag-amin ni AJ Raval: 'That was very courageous and brave of her'

By Kristian Eric Javier
Published November 14, 2025 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla reaction to AJ Raval revelation


Masaya si Kylie Padilla para kay AJ Raval matapos ang kanyang malaking rebelasyon tungkol sa kanyang personal na buhay.

Proud si Kapuso actress Kylie Padilla sa kaniyang kapwa ina na si AJ Raval sa pag-amin nito tungkol sa mga anak nila ni Aljur Abrenica. Inilarawan pa nga ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star ang kaniyang kapwa aktres bilang courageous at brave para sa ginawa nito.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwbes, November 13, binasa ni King of Talk ang isang pahayag na deretsang ipinadala ni Kylie sa kanila.

“I'm happy that as a mother, AJ feels a sense of freedom from her children. That was very courageous and brave of her. I'm proud as a mother too,” basa ni Boy sa pahayag ni Kylie.

Alam din umano ni Kylie na iyon ang tamang gawin ni AJ para sa sarili, at sinabing totoo ang mga pahayag ng aktres sa nauna nitong interview na malapit ang mga anak niyang sina Alas at Axl sa mga anak ni AJ.

“That means everything to me and to us as their parents. Labas na ang mga issues namin dun. I hope we all find peace and that we give AJ some empathy. Puwede na sila mag-date magkakapatid nang hindi nagtatago,” sabi ni Kylie.

Sa nauna at maikling pahayag ni Kylie, nilinaw din niyang matagal na niyang alam ang tungkol sa mga anak nina AJ at Aljur. Ngunit mas pinili nila ang kapakanan ng mga bata.

“Ito lng po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at yun pinaka importante. Happy that now di na kailangan mag tago. Proud of you, peace all around. Sana matapos na drama,” sabi ni Kylie.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang panayam sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, nilinaw din ni AJ na hindi siya kabit, salungat sa mga ibinibintang ng mga tao sa kaniya, at sinabing hiwalay na noon sina Kylie at Aljur noong niligawan siya nito.

“'Yun pong time na pinupuntahan ni Aljur kami sa bahay, hindi naman na po sila nagsasama nu'ng time na 'yun, hiwalay na po sila, nasa Batangas po si Aljur,” sabi ni AJ.

Giit pa ng aktres, “Hindi ko po gagawin 'yun kung may kinakasama po si Aljur. Hindi po talaga. Napagbintangan lang ako.”

KILALANIN ANG ILAN SA MGA MILLENNIAL CELEBRITY MOMS SA GALLERY NA ITO: