
Hindi sumang-ayon si Kylie Padilla kay Legal Wives star Andrea Torres sa sulat nitong, "Sabi nila wala daw forever?"
Sa Instagram, ibinahagi ni Kylie ang mga larawan nila ni Andrea na kuha sa bagong proyekto sa ilalim ng Rein Entertainment.
Makikita sa whiteboard ang sweet moments nina Kylie at Andrea at maging ang kissing scene nilang dalawa. Mapapansin din na may mga nakadikit na post it notes kung saan nakalagay ang unang letra ng mga karakter nila sa proyekto bilang sina Beth at Cindy.
"Love mo ko?" tanong ni Cindy na ginagampanan ni Andrea.
Sinagot naman ito ni Kylie bilang si Beth, "Love na love na love na love na love na love na love na love na love na love na love na love na love!"
Sinabi pa ni Cindy sa isang note, "Sabi nila wala daw forever?"
"I beg to disagree!" sagot naman ni Beth.
Ibinahagi rin ni Kylie na nalungkot siya sa pagtatapos ng taping nila para sa proyektong ito dahil napamahal na siya sa mga taong bumubuo rito.
"Met so many good, interesting people on this set and I made friends. I'm not exaggerating when I say I will be so sad to hear the last "pack up!" from direk Shugo Praico today (July 30). I LOVE THIS TEAM, THE MATERIAL AND THE PROCESS OF MAKING THIS SERIES. Thank you for all the memories," sulat ni Kylie sa Instagram.
Excited na ba kayong mapanood sila Beth at Cindy? Abangan ang bagong proyekto nina Kylie Padilla at Andrea Torres!
Samantala, tignan dito ang ilang "pogi shots" ni Kylie:
Patuloy naman subaybayan si Kylie sa The Good Daughter, 4:15 p.m sa GMA Afternoon Prime.