GMA Logo andrea torres and kylie padilla
What's Hot

Andrea Torres at Kylie Padilla, hindi na "TikTok virgins"

By Aimee Anoc
Published July 22, 2021 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

andrea torres and kylie padilla


"Gwapo mo Babe," sabi ni Andrea Torres sa unang TikTok video ni Kylie Padilla.

Wala nang makapipigil sa tambalang Kylie Padilla at Andrea Torres.

Sa ibinahaging TikTok videos sa Instagram, parehong kumasa sa Breakfast Challenge sina Kylie at Andrea.

Makikita si Kylie na naka-all black fit habang ipinapakita ang moves nito.

Kapansin-pansin din ang maikling buhok ng aktres na bagay na bagay sa kanya.

"We are no longer TikTok virgins," caption ni Kylie, at ipinaalam na mayroon na silang TikTok accounts.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Agad namang nag-comment si Andrea sa post na ito ni Kylie, "Gwapo mo Babe," na may kasamang heart eyes emoji.

Hindi rin nagpahuli sa suporta ang ilan sa mga kaibigang artista ni Kylie na sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Rita Daniela, Michelle Dee, Mayton Eugenio, Saab Magalona at Drew Arellano.

Samantala, nag-comment din si Kylie sa post ni Andrea, "My Cindy," at sinamahan din ito ng heart eyes emoji.

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)

Ilan pa sa mga artistang nagpakita ng suporta kay Andrea ay sina Ashley Ortega, Max Collins, Kakai Bautista, Chariz Solomon, Rodjun Cruz, Camille Prats, Benjamin Alves, at Carla Abellana.

Noong Miyerkules, July 21, muling sinorpresa ni Kylie ang mga tagahanga sa ibinahaging sweet photo sa Instagram habang yakap si Andrea.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Una nang ginulat ni Kylie ang netizens nang mag-post ito ng kissing scene nila ni Andrea para sa bagong proyekto sa ilalim ng Rein Entertainment noong Martes.

Samantala, mapapanood si Andrea sa GMA upcoming series na Legal Wives bilang si Diane, ang pangalawang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Abangan ang world premiere ng Legal Wives, July 26 sa GMA Telebabad!