
For sale ang two-bedroom condominium unit ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.
Source: kylienicolepadilla (IG)
Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng maikling house tour video.
Makikita sa video ang loob ng unit, partikalar ang sala, dining area, kitchen, banyo, at dalawang kuwarto ng may balkonahe.
Ipinakita din ng aktres ang mga common areas tulad ng club house at swimming pool.
Kasama rin sa ibinibenta ni Kylie ang mga gamit sa condo.
Nilinaw naman niyang hindi ito hudyat ng kahit anong pagbabago sa kanyang buhay dahil hindi ito na-occupy ni Kylie at ng kanyang mga anak.
"I'm selling my condo!!!!
2-Bedroom Condo Unit for Sale
Harbour Park Residences
Terms:
• Fully furnished, never occupied
• No parking slot
• Clean title, ready for turnover
FOR MORE INFO PLEASE CONTACT
Ning +63 919 558 9448," sulat niya sa Instagram.
Samantala, pinaghahandaan na ni Kylie ang upcoming action series niyang may working title na Firewall.
Makakasama niya dito sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at Buboy Villar.
Pina-makeover pa ni Kylie ang kanyang hairstyle para bumagay ito sa karakter niya sa serye.
Kasalukuyang napapanood si Kylie sa hit telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan ni-reprise niya ang role niya bilang Sang'gre Amihan.
Bumida rin siya sa family drama movie na The Lotto Winner kasama si veteran actor Albert Martinez at child star Sienna Stevens noong nakaraang buwan.
Naging busy din ang aktres kamakailan sa scriptwriting workshop ni National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts Ricky Lee kung saan isa siya sa napiling participants.
MAS KILALANIN PA SI KYLIE PADILLA SA GALLERY NA ITO: