
Nagsimula na ang taping ng upcoming action-drama series na Firewall.
Bibida rito sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Buboy Villar.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Kylie ng ilang behind-the-scenes photos mula sa taping ng programa.
Makikita sa black and white photos sina Kylie, Miguel, at Buboy kasama sina Lexi Gonzales at Cheska Fausto sa pagitan ng pagkuha ng mga eksena nila sa serye.
"Team #FIREWALL 🖤 Coming soon 🕷️," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.
Bago nito, nagpa-hair makeover pa si Kylie maging mas akma sa karakter niya sa serye.
Sumabak din siya sa fight training sa ilalim ng Elite Action Design na grupo ng mga fight choreographers at stunt performers.
Bukod dito, magkakasamang nag-training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting sina Kylie, Miguel, Kyline, Jak, at Buboy.
Abangan ang Firewall, soon on GMA!