GMA Logo Kylie Padilla and Jak Robeto
PHOTO COURTESY: kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, Jak Roberto, nagpasaya sa kanilang TikTok dance video

By Dianne Mariano
Published March 6, 2022 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Jak Robeto


Syempre meron din si JONI x TOYPITS,” sulat ni Kylie Padilla.

Ibinahagi nina Kapuso stars Kylie Padilla at Jak Roberto ang kanilang nakatutuwang dance video sa social media habang nasa lock-in taping ng upcoming GMA series na Bolera.

Sa seryeng ito, gagampanan ng aktres ang role bilang Joni, isang billiard prodigy, habang bibigyang buhay ng aktor ang karakter bilang Pepito aka Toypits, ang magsisilbing unang manager ni Joni sa pagpasok sa mundo ng billards.

Mapapanood sa Instagram account ni Kylie ang kaniyang dance video kasama si Jak at ipinakita nila ang kanilang galing sa pagsayaw sa kantang “Darari” ng K-pop group na Treasure.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

“Syempre meron din si JONI x TOYPITS. #BOLERA,” sinulat ni Kylie sa kaniyang post.

Naging patok naman sa netizens ang naturang video at nag-iwan sila ng maraming heart emojis sa comments section.

Photo courtesy: kylienicolepadilla (IG)

Noong Pebrero, ipinakita naman ni Jak ang kanyang skills at techniques na natutunan sa paglalaro ng billiards habang nasa taping bubble ng nalalapit na programa.

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Makakasama nina Kylie at Jak sa serye sina Rayver Cruz, Joey Marquez, Al Tantay, Gardo Versoza, at Jaclyn Jose.

Samantala, silipin ang stylish looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito.