GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Kylie Padilla, ipinasilip ang ilang eksena sa upcoming GMA series na 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published February 15, 2022 10:23 AM PHT
Updated April 11, 2022 9:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Magbabalik si Kylie Padilla sa primetime bilang ang billiard prodigy na si Joni.

Nasa lock-in taping na ngayon si Kylie Padilla para sa bagong serye niya sa GMA, ang Bolera.

Sa Instagram, ipinasilip ng aktres ang isang eksena kung saan siya ay malungkot na nakaupo sa harap ng isang puntod.

Sa ikalawang larawan, ipinakita naman ni Kylie kung gaano siya ka komportable sa set ng Bolera.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Sa serye, bibigyang buhay ni Kylie ang karakter ni Joni, isang billiard prodigy na gagawin ang lahat para maiahon ang pamilya sa kahirapan at linisin ang pangalan ng ama.

Makakasama rin ng aktres sa Bolera sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza at Joey Marquez na kasalukuyan pa ring naka-quarantine para sa halos isang buwang lock-in taping. Narito rin sina Ricardo Cepeda at Jaclyn Jose.

Samantala, tingnan ang femme looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito: