
May natanggap na sample witty question sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa GMA Comedy original game show na 'The People Have Spoken.'
Ang tanong na natanggap nina Kylie at Luis mula sa YouLOL team ay ito, “Sa mahal ng bilihin ngayon, totoo bang mahal ang magmahal?”
Mabilis itong sinagot ng Sparkle actress at celebrity mom na si Kylie at ang sabi niya, “Mahal magmahal ngayon, pepersonalin ko ha. Kasi, dalawa na 'yung anak ko so hati 'yung oras ko. Mahal na magmahal kasi 'yung oras ko ang mahal ngayon.”
Si Luis naman, tila nag-agree sa tanong na natanggap nila ni Kylie.
Ayon sa aktor, lahat ngayon ay mahal na talaga.
“Mahal magmahal. Mahal ang bilihin, mahal ang pang-date, mahal ang pang-gas, lahat mahal,” sagot niya.
Sina Kylie at Luis at parehong kabilang sa star-studded cast ng tech-driven action-drama series na 'Taskforce Firewall.'
Abangan ang Team KyLu (Kylie Padilla at Luis Hontiveros) sa 'The People Have Spoken' ngayong Sabado, September 12, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Tumutok din sa 'The People Have Spoken' ngayong Sabado para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Samantala, balikan ang best and iconic quotes sa 'The People Have Spoken' dito: