GMA Logo Kylie Padilla
Photo by: kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, 'masaya at grateful' sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Zamboangueños

By Aimee Anoc
Published June 28, 2022 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Noong June 25, pinangunahan ni Kylie Padilla ang Kapuso Fans Day ng GMA Regional TV sa Zamboanga City.

Masaya at labis na nagpapasalamat si Kapuso actress Kylie Padilla sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Zamboangueños sa naganap na Kapuso Fans Day ng GMA Regional TV noong June 25 sa KCC Mall de Zamboanga.

Nakasama rin ni Kylie sa event ang Bolera co-star na si Gardo Versoza bilang special guest.

Isang post na ibinahagi ni kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

"Thank you Zamboanga," sulat ni Kylie sa Instagram. "Nakakatuwa and sobrang grateful ako I had the chance na makasama kayo ulit. Grabe after ng pandemic, sobrang na-a-appreciate ko lang 'yung chance to see my supporters in person.

"Iba talaga ang connection. Salamat sa mainit na pagtanggap sa amin at sa palabas namin. Marami pang magandang eksenang aabangan. See you on the screen!"

Patuloy na mapapanood si Kylie Padilla bilang si Joni sa sports drama series na Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: