
Sa pagbabalik teleserye ni Kylie Padilla matapos ang halos tatlong taon, inamin ng Kapuso actress na hindi siya nahirapang umarte muli dahil, aniya, naramdaman niya ang mainit na suporta ng lahat ng katrabaho.
"Actually I feel like I have more to offer kasi life taught me some lessons," pagbabahagi ni Kylie sa interview sa "Stronger Together: The GMA Pinoy TV Podcast."
Ayon kay Kylie, ibinalik ng Bolera ang kaniyang "passion at confidence" bilang isang aktres.
"There was a point in my life na akala ko hindi na ako makakabalik, hindi na ako makakapagtrabaho ulit, hindi ko na siya mae-enjoy the way na nae-enjoy ko rati. And this is the show that really gave me back that passion and confidence na 'wow na-miss pala ako ng mga tao,' sabi ni Kylie.
Dagdag niya, "Kasi a lot of people were saying on set na 'wag kang mawawala ulit kasi nga may galing ka naman sa pag-aarte.' So parang sobrang na-appreciate ko lang.
"Nagkaroon ako ng sense of pride sa work ko. I'm just so grateful and full of gratitude na nakabalik ako at binigyan ako ng chance ulit ng GMA at pinagkatiwalaan nila ako ulit."
Ang Bolera ang pinakabagong sports drama series ng GMA na pinagbibidahan ni Kylie kasama sina Rayver Cruz at Jak Roberto.
Sa seryeng ito, binibigyang buhay ni Kylie ang kuwento ng billiard prodigy na si Joni na gagawin ang lahat para matupad ang pangarap na makilala sa male-dominated sports na ito.
Patuloy na subaybayan si Kylie Padilla sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.
Pakinggan ang buong interview ni Kylie Padilla sa "Stronger Together: The GMA Pinoy TV Podcast" dito:
Samantala, kilalanin ang cast ng Bolera sa gallery na ito: