What's on TV

Kylie Padilla, masayang gaganap muli bilang empowered woman

By Marah Ruiz
Published May 24, 2026 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelique Manto and David Guison are married!
Chef Florabel Co-Yatco shares tips for a better home kitchen
Palaro 2026 opening festivities set on Sunday afternoon

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Masaya si Kylie Padilla na empowered woman ang karakter niya sa 'Taskforce Firewall.'

Mailalarawan bilang empowered woman ang karakter ni Kapuso actress Kylie Padilla sa upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.

Gagaganap si Kylie dito bilang Isa, mahusay na strategist at lider ng task force.

"She's maneuvering in a very masculine environment kasi police, 'di ba, it's very masculine environment," lahad niya tungkol sa kanyang karakter.

Masaya daw siya sa pagkakataong muling mapagkatiwalaan sa ganitong klaseng role.

"Ako, nag-e-enjoy ako doon kasi ang dami kong roles na ganito. It's a way to show na kaya din naman ng babae. Iba lang kami. Iba lang ang paraan namin to show how strong we are," aniya.

Image Source: gmanetwork (Instagram)



Tila naman sinasalamin ng kanyang on-screen character ang tunay niyang buhay.

Nagsisilbi din kasing inspirasyon si Kylie sa kanyang co-stars, lalo sa mga mas nakababatang female cast members.

"Last, last taping lang we were talking about our growth as individuals spiritually. And then shinare lang nila that they look up to me. Minsan nakakalimutan ko that I have that impact on young women," pahayag ng akrtes.

Kasma ni Kylie sa serye sina Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar at marami pang iba.

Abangan sila sa Taskforce Firewall, simula May 25, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE NG TASKFORCE FIREWALL DITO:



Panoorin din ang buong panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.