GMA Logo Kylie Padilla
Source: kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, masayang nasa Netflix na ang 'The Lotto Winner'

By Marah Ruiz
Published May 2, 2026 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nagpatong ng mga bubuyog sa ulo, bakit hindi na-sting? | GMA News Feed
Miss Universe PH delegates stun in their Miss Photogenic shots
GMA Pictures finds Ella Arcangel voice talent, teases netizens to guess who it is

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Masaya si Kylie Padilla na nasa Netflix na ang pelikula niyang 'The Lotto Winner.'

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Kapuso actress Kylie Padilla.

Sa kanyang Instagram account inanunsiyo ni Kylie na magiging available for streaming sa Netflix Philippines ang pelikula niyang The Lotto Winner.

Isa itong family drama film tungkol sa pagbabago ng buhay ng isang pamilya matapos manalo sa lotto ang kanilang estranged father.

Kasama niya sa pelikula sina Albert Martinez at Sienna Stevens.

Mapapanood worldwide sa Netflix ang The Lotto Winner simula sa May 28.

"Can't express how happy I am to be able to say I finally have a movie on @netflixph. Premiering worldwide may 28th. For a movie with such a touching story too. congrats to the whole team. And a huge thank you to @mavxproductions for always putting their faith in me to portray these characters. Much love!!! Xoxox," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.


Samantala, busy naman si Kylie sa taping ng kanyang upcoming action-drama series na Firewall.

Iikot ang kuwento ng seryes sa isang grupo ng law enforcement agents ng lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet sa masamang paraan.

Makakasama dito ni Kylie sina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Buboy Villar.

Magkakasamang nag-training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting ang limang co-stars.

Sumabak din si Kylie sa fight training sa ilalim ng Elite Action Design na grupo ng mga fight choreographers at stunt performers.

Bukod dito, nagpa-hair makeover pa si Kylie maging mas akma sa karakter niya sa serye.

Abangan ang Firewall, soon on GMA!