GMA Logo Kylie Padilla
Source: kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, nakapagsulat na ng buong script

By Marah Ruiz
Published April 15, 2026 11:16 AM PHT
Updated April 15, 2026 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Natapos na ni Kylie Padilla ang script niya bilang participant ng workshop ni Ricky Lee.

Isa si Kapuso actress Kylie Padilla sa mga napili sa Batch 30 ng libreng scriptwriting workshop ni National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.

Ibinalita ng aktres na isang malaking milestone ang narating niya sa ika-13 session ng nasabing workshop.

Source: kylienicolepadilla (IG)


Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Kylie ang isang folder na may lamang papel kung saan mababasa ang mga katagang "LIMERENCE CAFE" at "Written by Kylie Padilla."

Kasama nito ang isa pang litrato ni Lee habang nagtuturo sa workshop.

"Session 13 and I'm holding my full length script in my hand ," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.

A post shared by kylie padilla ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


Bukod sa scriptwriting workshop, busy rin sa Kylie sa paghahanda para sa upcoming action series na pagbibidahan niya.

May working title ito na Firewall at makakasama niya dito sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at Buboy Villar.

Sama-sama silang sumabak sa training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting.

Nagpa-hair makeover pa si Kylie maging mas akma sa karakter niya sa serye.

Bukod dito, sumabak din siya sa fight training sa ilalim ng Elite Action Design na grupo ng mga fight choreographers at stunt performers.

SAMANTALA, SILIPIN ANG RECENT JAPAN TRIP NI KYLIE PADILLA DITO: