
Avisala! Tila may magbabalik na hara sa Encantadia?
Noong Lunes, May 3, tila may pasilip si Kylie Padilla sa kanyang upcoming transformation bilang Sang'gre Amihan.
Sa isang Instagram post, makikita si Kylie na suot ang kanyang iconic Amihan costume. Maririnig din ang pagsabi niya ng "Tandaan mo. Ako pa rin ang tunay na reyna ng Lireo."
Kakasa na rin kaya si Kylie sa hamon ni Gabbi Garcia, na una nang kumasa sa makeup trend kung saan nag-transform ito bilang ang iconic character sa Encantadia na si Sang'gre Alena?
Sa comments section ng post na ito ni Kylie, kitang-kita ang excitement ng fans at maging ng dating Encantadia co-stars niya na sina Sanya Lopez at Mikee Quintos.
Abangang ang pagbabalik ni Kylie bilang Sang'gre Amihan sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Magbabalik din sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Gabbi Garcia bilang Alena.
Pagbibidahan ito ng bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.