GMA Logo Kylie Padilla, Alas Joaquin, and Axl Romeo
Photo by: kylienicolepadilla (IG)
What's Hot

Kylie Padilla, muling nakasama sina Alas at Axl matapos ang unang lock-in taping sa 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published March 7, 2022 9:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla, Alas Joaquin, and Axl Romeo


Natapos na ang unang lock-in taping ni Kylie Padilla para sa upcoming GMA series na 'Bolera.'

Muling nakasama ni Kylie Padilla ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo matapos ang isang buwang lock-in taping para sa bagong serye sa GMA, ang Bolera.

Sa Instagram, makikita ang masayang bonding ng mag-iina habang naglalaro sa duyan. Huling nakasama ni Kylie ang dalawang anak noon pang Enero

"Missed these boys," sulat ni Kylie.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Kahit na nasa lock-in taping, hindi nawawala ang pagiging ina ni Kylie at palagi pa ring inaalala ang mga anak na ibinabahagi pa nito sa kanyang Instagram.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Sa Bolera, gaganap si Kylie bilang ang billiard prodigy na si Joni, na gagawin ang lahat para maipakilala ang sarili sa mundo ng billiards at maibalik ang karangalan ng pumanaw na ama na nadungisan dahil sa isang iskandalo.

Makakasama rin ni Kylie sa sports drama na ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at Al Tantay.

Abangan si Kylie sa Bolera soon sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang sweet moments ni Kylie Padila kasama ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo sa gallery na ito: