GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Celebrities humanga sa billiard skills ni Kylie Padilla

By Aimee Anoc
Published March 1, 2022 2:14 PM PHT
Updated April 11, 2022 9:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Panoorin kung paano in-execute ni Kylie ang isang billiard trick shot DITO:

Bukod sa netizens, napahanga rin ni Kylie Padilla ang ilang celebrities sa kanyang billiard skills.

Matatandaang sumailalim si Kylie sa training ng dalawang billiard masters na sina Johann Chua at Geona Gregorio para mas mahusay na magampanan ang karakter ni Joni, isang billiard prodigy na susubuking pasukin ang male-dominated sports na ito.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Sa Instagram, mapapanood ang isa sa mga eksena ni Kylie kung saan ipinakita nito ang iba pang techniques na natutunan sa paglalaro ng bilyar para sa upcoming GMA series na Bolera.

Hindi naman napigilang humanga ng ilang celebrities tulad nina Michelle Dee, Angel Locsin, Max Collins, at Ann Colis sa husay na ipinakita ni Kylie sa larong ito.

Samantala, ipinakita rin ni Kylie ang ilan sa palaban at seksi na looks nito mula sa pictorial ng Bolera.

A post shared by Rei Buesing (@reibuesing)

Makakasama ni Kylie sa serye na ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at Al Tantay.

Tingnan ang iba pang femme looks ni Kylie Padilla sa gallery na ito: