What's Hot

Kylie Padilla, nag-open up tungkol sa relasyon kay Mariel Padilla

By Marah Ruiz
Published June 22, 2025 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

British adult film star faces Bali deportation after studio raid
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla


Ayon kay Kylie Padilla, naging sumbungan niya ang kanyang Tita Mariel. Alamin ang kuwento rito:

Aminado si Kylie Padilla na may pangamba siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series niyang My Father's Wife.

Dahil sa pamagat at tema nito, na tungkol sa mga nasirang pagkakaibigan at pagtataksil, nag-aalala siyang ikabit ito sa mga mahal niya sa buhay, partikular sa kanyang stepmom na si Mariel Padilla.

Source: marieltpadilla (IG)

"Actually, I was worried about that. Ayoko siyempreng i-associate ng mga tao sa kanya, 'di ba?" lahad ni Kylie.

Salungat daw dito ang sitwasyon nila sa tunay na buhay.

"Sumbungan ko siya. Sa kanya 'ko nagsusumbong when I have a problem. Kasi, ayokong magdagdagan 'yung problem ng dad ko, so kay tita Mariel na 'ko dumidiresto. Almost everything na kailangan ko ng tulong, I ask her," bahagi ni Kylie tungkol sa relasyon niya kay Mariel.

SILIPIN ANG MGA CELEBRITY STEPMOMS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, magsisimula na sa Lunes ang My Father's Wife.

Makakasama dito ni Kylie si Gabby Concepcion na gaganap bilang kanyang ama, at Kazel Kinouchi na dati niyang best friend at mapapangasawa ng kanyang tatay.

Abangan ang world premiere ng My Father's Wife, June 23, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.