
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa bagong tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Nagtala ang unang episode nito ng 7.9 combined ratings mula sa GMA at GTV ayon sa tala ng Nielsen Philippines.
Sinundan ito ng 8.7 ratings noong May 26, at 7.6 naman sa May 27.
Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng isa sa lead stars ng serye na si Kapuso actress Kylie Padilla.
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Kylie ang isang maikling video kung saan makikitang pangiti ngiti siya sa set dahil sa tagumpay ng programa.
"Just me kinikilig sa Firewall taping kasi ang taas ng rating ng FIREWALL. Salamat sa mainit na pagtanggap!!!!" saad niya sa video.
Bukod dito, nagbahagi rin siya ng celebratory dance nila ng co-stars na sina Miguel Tanfelix, Buboy Villar, Cheska Fausto, at Lexi Gonzales.
"THANK YOU SA MAINIT NA PAG TANGGAP!!!! #TASKFORCEFIREWALL," sulat ni Kylie sa caption ng kanyang post.
Sa unang linggo ng Taskforce Firewall, nakilala na ang mga miyembro ng team.
Image Source: gmadrama (Instagram)
Sumabak na rin sila sa una nilang kaso bilang bagong tayong cybercrime division.
Panoorin ang ilang highlights ng unang linggo ng Taskforce Firewall dito:
Panoorin ang Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.