GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Kylie Padilla, natutong mag-aral ng billiards nang kaliwete

By Aimee Anoc
Published May 21, 2022 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Humanga raw si Jak Roberto sa husay ni Kylie Padilla dahil hindi talaga naglalaro ng billiards noon ang aktres.

Aminado si Kylie Padilla na nahirapan siyang mag-aral ng billiards para sa bagong Kapuso serye na Bolera.

Sa naganap na kuwentuhan live sa TikTok kasama ang co-star na si Jak Roberto, ikinuwento ni Kylie na kinabahan siya nang tanggapin ang Bolera dahil wala pa siyang alam sa larong billiards.

Kylie Padilla

"Nag-training po ako kasi ako talaga wala po akong alam sa billiards noong tinanggap ko 'tong show na ito. Medyo kinabahan ako pero alam ko kasi na ang importante rito is 'yung form talaga, iyon ang ikokorek ko," sabi ng aktres.

Dagdag niya, "But nu'ng naglaro na ako, na-in love din ako sa game lalo na noong nasa set na kami. Tapos siyempre 'di ba tengga kasi magse-set up, maraming oras para mag-practice. And 'yun ang ginawa ng buong cast and crew, naglaro lang kami ng billiards.

"Ako nahirapan akong i-perfect lang na magmukha talaga akong marunong, professional. Then after a while nag-relax na rin ako and nag-enjoy na rin kaming lahat."

Ikinuwento rin ni Kylie na magaling nang maglaro ng billiards ang dalawa niyang co-stars na sina Jak at Rayver Cruz.

Kylie Padilla

Humanga naman si Jak sa naging training ni Kylie dahil natuto ito nang kaliwete. Aniya, "Mahirap 'yung sa kanya guys. Sa atin kasi 'di ba kaliwa 'yung bridge natin tapos kanan 'yung tako.

"Sa kanya baliktad kasi si coach Geona kaliwete, doon s'ya natuto sa billiards. Isipin n'yo 'yung effort na 'yun na from zero. Pero feeling ko na mas napaganda 'yung zero experience mo na roon ka natuto."

Nagsilbing tagapagsanay ni Kylie sa billiards ang mahuhusay na mga manlalaro nito na sina Johann Chua at Geona Gregorio.

Makakasama rin nina Kylie at Jak sa seryeng ito sina Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, at Al Tantay.

Abangan ang world premiere ng Bolera sa May 30 sa GMA Telebabad.

Tingnan ang last taping day ng Bolera sa gallery na ito: