
Simple lamang ang naging selebrasyon ni Kylie Padilla sa kanyang 31st birthday kung saan nakasama niya sa isang bakasyon ang dalawang anak na sina Alas at Axl.
Sa Instagram post, ibinahagi ni Kylie ang ilang clips mula sa naging birthday celebration niya kung saan bumiyahe siya kasama ang mga anak sa tila isang campsite. Dito, tanaw ang mga bundok at makikitang nag-enjoy rin sina Alas at Axl sa magandang tanawin at paliligo sa ilog.
Caption ni Kylie sa post na ito, "Best birthday so far."
Ipinagdiwang ni Kylie ang kanyang 31st birthday noong January 25. Ilan sa celebrities na bumati sa aktres ay ang Encantadia Chronicles: Sang'gre co-stars na sina Gabbi Garcia at Bianca Umali.
"Hapee me. Thank you for all the sweetest greetings. Sending love and the more divine energy," pasasalamat ng aktres sa nauna nitong birthday post.
Kamakailan lamang nang ibahagi ni Kylie na mayroon nang nagpapasaya sa kanyang puso. Ito ay nang sagutin niya ang tanong ng celebrity fitness coach na si Francis Simon kung sino nga ba ang mystery guy na nakitang kasama niya sa isang mall.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SWEET MOMENTS NI KYLIE PADILLA KASAMA SINA ALAS AT AXL SA GALLERY NA ITO: