GMA Logo Kylie Padilla
What's on TV

Kylie Padilla sa nalalapit na pagtatapos ng 'Bolera': 'It was truly the perfect comeback show for me'

By Aimee Anoc
Published August 8, 2022 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala effortlessly stuns in Filipiniana at 2026 Laureus Awards in Madrid
Air Quality sa Metro Cebu anaa sa ‘Very Unhealthy’ Level | Balitang Bisdak
Mga mangingisda sa Palauig na apektado ng mega oil price hikes, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng 'Bolera' sa GMA Telebabad.

Mula simula, mainit na sinusubaybayan ng manonood ang kauna-unahang sports drama series ng GMA, ang Bolera, kaya naman umaapaw rin ang pasasalamat ng lead star nitong si Kylie Padilla.

Ang Bolera, ang unang serye ng aktres matapos na magpahinga sa showbiz sa loob ng halos tatlong taon.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kylie ang kanyang nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ng proyektong minahal niya.

"It was truly the perfect comeback show for me. I don't know but the projects I have been choosing lately have been so personal to me. Una pa lang kailangan mahal ko na 'yung material. And I can invest fully. And Bolera is on that list," pagbabahagi ni Kylie.

Marami pang dapat na abangan sa huling tatlong linggo ng Bolera. Patuloy itong subaybayan, Lunes hanggang Biyernes. 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG 'BOLERA' RITO: