
Nagkasama-samang muli ang 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Gabbi Garcia sa isang dance video.
Sa kanyang Instagram post, hot at tuwang-tuwang sinayaw ni Kylie kasama sina Sanya, Glaiza, at Gabbi ang kantang "Damn Right" ng BLACKPINK member na si Jennie.
"Yay nakompleto din," caption ni Kylie sa kanyang post.
Komento naman ni Glaiza sa kanilang video, "Ako lang ba naiinitan?"
Umani rin ng mga nakatutuwang komento mula sa kanilang fans ang reunion ng apat na aktres.
Napanood ang muling pagsasama-sama nina Kylie, Sanya, Glaiza, at Gabbi bilang mga Sang'gre sa pilot episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Patuloy silang subaybayan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: