GMA Logo Kylie Padilla
Photo by: kylienicolepadilla (IG)
Celebrity Life

Kylie Padilla shares her new discoveries as working mom

By Aimee Anoc
Published August 24, 2022 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


May mga bagay talaga na ipinagpapasalamat si Kylie Padilla bilang isang working mom. "It's really a blessing to be able to work kasi not every mom can do that."

Ikinuwento ni Bolera actress Kylie Padilla ang mga bagong natutunan bilang isang working mom.

Ayon sa aktres, hindi raw niya akalain na makakaya niyang maging isang working mom para sa dalawa niyang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

"Kasi noong una feeling ko talaga hindi kaya. Feeling ko nagi-guilty ako. May mom guilt kasi na kapag wala ka parang 'bakit mas pinipili mong magtrabaho kaysa mag-alaga ng anak,' may ganu'n ako," pagbabahagi ni Kylie.

"But as a single working mom nakikita ko na 'yung... 'pag nariyan na 'yung reward. Syempre mas nabibigyan ko sila ng magandang buhay if I work so may sacrifice talaga," dagdag pa niya.

Ngayon daw mas alam na ni Kylie kung bakit niya ginagawa ang mga ito. Aniya, "Kasi ngayon nangangarap na rin akong bumili ng bahay para sa kanila and I see the bigger picture now.

"Iyon 'yung natutunan ko na as a working mom it's really a blessing to be able to work kasi not every mom can do that."

Samantala, patuloy na subaybayan si Kylie bilang si Joni sa huling tatlong gabi ng Bolera, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG SWEET MOMENTS NI KYLIE PADILLA KINA ALAS JOAQUIN AT AXL ROMEO RITO: