GMA Logo Kyline Alcantara and Barbie Forteza
Celebrity Life

Kyline Alcantara at Barbie Forteza, dumayo sa mga sikat na pasyalan sa Antipolo

By Aimee Anoc
Published April 8, 2022 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Barbie Forteza


Bukod sa tourist spots sa Antipolo, hindi rin pinalagpas nina Kyline Alcantara at Barbie Forteza na matikman ang mga pagkaing kilala sa lugar na ito.

Magkasamang dinayo nina Kyline Alcantara at Barbie Forteza ang ilan sa mga sikat na pasyalan sa Antipolo.

Una na rito ang Antipolo Cathedral kung saan naroroon ang Our Lady of Peace and Good Voyage, isang imahe ng Mahal na Birhen na mula pa noong ika-17 siglo.

Hindi rin pinalagpas nina Kyline at Barbie na matutunang gawin ang isa sa specialty ng Antipolo, ang suman.

Sa tulong ng magsusumang si Aling Baby, nalaman ng dalawang aktres kung paano gumawa ng pambalot ng suman.

Sunod na pinuntahan nina Kyline at Barbie ang Kaulayaw Cafe na kilala sa kanilang dekalidad na coffee products.

Dito natuto ang dalawang aktres ng ilang malalalim na salitang Tagalog tulad ng kaulayaw (kasama), dayang (sweetheart), nahidlaw (nananabik), at marahuyo (enchanted).

Panoorin ang masayang trip nina Kyline at Barbie sa Antipolo rito:

Samantala, mas kilalanin pa si Sparkle actress Kyline Alcantara sa gallery na ito: