
Ang tambalan nina Kyline Alcantara at Kim Ji Soo ang isa sa mga inaabangan ng viewers sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa isang clip na inilabas ng Viu Philippines, makikitang nag-uusap sina Pearl (Kyline) at Han Bin (Ji Soo) sa tabing-dagat.
Pinag-uusapan nila ang essay na isinusulat ni Pearl, habang pinapayuhan siya ni Han Bin na isulat ang sarili niyang kuwento.
Bilang tugon, sinabi ni Pearl, "Well, you're part of my story, Sir Han."
Nagkatitigan ang dalawa pagkatapos nito, na lalong nagpakilig sa maraming viewers.
Hindi naman napigilan ng mga manonood na ibahagi ang kanilang kilig sa social media, kung saan marami ang nagsabing hindi nila inasahan ang chemistry nina Kyline at Ji Soo. May ilan ding nagpahayag na bagay ang dalawa at umaasang muli silang magsasama sa isa pang proyekto.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa tambalan nina Kyline at Ji Soo:
Mapapanood ang bagong episodes ng Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.
RELATED GALLERY: Kyline Alcantara shares candid moments from the set of 'Love, Siargao'