
Hindi nagpahuli sa pagpapakilig sina Kyline Alcantara at Kim Ji Soo sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa episode nitong Sabado, July 18, nagkaroon ng sweet interaction sina Pearl (Kyline) at Han Bin (Ji Soo). Makikita sa eksena na naging malapit ang kanilang mga mukha nang hipan ni Han Bin ang mata ni Pearl matapos itong mapuwing.
Agad namang umani ng positibong reaksyon mula sa viewers ang eksenang ito dahil napansin nila ang chemistry ng dalawang Kapuso star. May ilan ding nagsabing bagay silang maging love team.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers kina Kyline at Ji Soo:
Kasama rin sa cast ng serye sina Alden Richards, Nadine Lustre, Coleen Garcia, AZ Martinez, Vince Maristela, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.
Patuloy na mapapanood ang mga bagong episode ng Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu.
RELATED GALLERY: Kyline Alcantara shares candid moments from the set of 'Love, Siargao'